Darna!

The deepest definition of youth is life as yet untouched by tragedy. — Alfred North Whitehead
Ang pinsan kong nakatira sa New York ay tuwang-tuwa Kay Darna kaya ginawa ko siyang isang Darna para sa kanyang kaarawan. Hindi ko napapanood ang palabas na ito kanya wala akong alam sa katangian at pinang-galingan ni Darna.
Pati na nga din itong pinsan ko wala na akong masyadong alam sa kanyang buhay. Madaming taon na ang lumipas na hindi ko siya nakikita at nakakausap ng matagalan. Ganoon na nga siguro ang buhay. Ang mga malalapit mong kaibigan at kamag-anak ay maari ding mahiwalay at mawala sa iyong tabi. Ito na siguro ang isa sa mga pinakamalungkot na bahagi ng buhay. Nakakalungkot talaga kung iisipin. Buti pa ata mag-gitara na muna ako.





4 Comments:
galing...
pahiram naman ng gitara!!!
Cheap lang gamit kong gitara sa ngayon. Pagnakaipon na ako, bibili ako ng maganda.
Many thanks for visiting!
great art. maybe you can draw us.
Thanks, Obet! You have an interesting site :)
Post a Comment
<< Home